Archive for October, 2006
Goodbye School Hello Bahay
Monday, October 9th, 2006Wow how long has it been since i’ve had an entry here in my blog? Two, three, four weeks? A month?
Anyway, it kinda feels good to be back in front of our personal computer at mag type ng kung anu anong kabarubalan sa buhay. Hehehe.
Guys! Tapos na ang unang Semester sa school namin, at kasunod nito ang "Semester Break". Bagay na ikatutuwa ng iba, ikalulungkot ng ilan, at ikaliligaya ng karamihan sa mga guro (lalo na si Teofilo).
Bakit ko nasabi ang mga bagay na ito, well eto basahin niyo:
- HAPPY ENDING Sa mga estudyante na atat na atat na sa bakasyon eto na ang pagkakataon nila na gumimik, tumoma’t magpakalasing (asus as if naman kailangan pa ng bakasyon para dun), matulog hangang tanghali, magpahinga mula sa napakabilis na andar ng buhay sa skwelahan, limutin ang muka ng mga prof na nagbigay ng tila kalbaryong buhay sa mga estudyanteng napagtitripan nila (viseversa), limutin ang (mga) naging bf/gf nung first Sem at naging EX bf/gf na nung mga huling SEM, at marami pang iba. Iba’t iba ang dahilan pero isa lang ang patutunguhan, isang bakasyon na WALANG BAON! Arrrgh! Which leads me to my next topic…
- SAD ENDING Ito naman ay para sa mga estudyante na di pinalad na pumasa sa mga subjects nila at pinatawan ng kaukulang parusa ng kanilang mga magulang na mag take ng course ng P.M.A. (Pahinga Muna Anak). Masakit diba? Di natin alam kung sino ang dapat sisihin, mga magulang ba dahil sa naging pabaya sila sa kanilang mga anak anupa’t kinalimutan silang gabayan sa tamang landas? Mga anak ba na naging pabaya sa kanilang pagaaral anupa’t mas inatupag pa ang pagpapasasa sa bulakbulan at kagaguhang nagdala sa kanila sa kapahamakan? O ang mga kaklase at kaibigan nila na sa di sinasadya or sinasadyang paraan ay nagdala sa kanila sa hagdan patungo sa impyerno na kung tawagin ay DROP! Anu pa man ang maging rason ay sa kanila na iyon.