Holy Shit

Have any of you experienced having a really rally really bad stomach ache in a really really really bad time.

Pusang gala! Umagang umaga papasok ka sa school, before you go eh chinecheck mo kung wala kang nakalimutan, it seems fine naman so diretcho school ka na. Dadating ka sa school mag tatime na, sakto pag pasok mo eh dating naman ang prof niyo, first class of the day, siyempre you are expecting, hoping, praying for a good start, even though your professor is a failed aboirtion (which i’ll explain on a different blog entry guys"), un nga lang bigla mong naalala! NAKALIMUTANG MONG TUMAE!! Kanina ok naman ang pakiramdam mo kaso ngayon bakit parang bigla nalang nagtayu ng EDSA 4 ang mga BULATAE sa tiyan mo at nagwewelga silang sabay sabay ang sigaw ng "IBAGSAK! IBAGSAK mo na!!! Hehehe"!!

Pusang gala kakamadali mo eh di mo na alam gagawin mo! Tingin naman ang mga kaklase mo sayo at nagtataka dahil tila may multo o halimaw na ikaw lang ang nakakita, taranta kang kumaripas at di nagpapahalata sa kabila ng kaba at pawis (at baho ng utot) na lumalabas sa nagulantang mong pagkatae! Este pagkatao! Pagbaba mo ay sinabi mo sa sarili mo! …hindi ka na aabot tsong, patay kang bata ka!!! Kaya’t nag desisyon ka na kumaripas ng takbong pakandirit papunta sa kubeta!

Waw Hebi! Puno pa ng magagndang babae ang nakatambay sa labas ng CR ng boy’s at isa dun eh crush mo! Linsyak na buhay naman toh oh! Sa lahat naman kasi ng tatambayan eh bakit sa labas pa ng TaKuBets eh! No choice! Pasok na!!!

Hinawi ang dalaga at nakalimutan na ang "excuse me" sa taranta. Binuksan ang pinto ng cubicle, hatak sa pantalon (nakalimutan pa tangalin ang butones kaya napigtal ng tuluyan, malas!), sabay bomba sa hiroshima!

KABOOM!!!

Un lang nakalimutan mo na wala nga palang tissue…

"Hehehe.. Buti nalang di pa nangyayari sakin ito!"

3 Responses to “Holy Shit”

  1. Bevie Says:

    LOL Ashyong, komedi ka talaga.

    Sa susunod kasi, magjerbs muna. ‘Nakngtinapa naman o.

  2. Ace Says:

    huy di ako yun ah! *pooot*

  3. Em-em FaNgEt Says:

    haha grabe nakakatawa talaga… tanggal antok koh… aga ko kasing pumasok sa ofc eh :P sige next blog mo lulit babasahin koh.. :D

Leave a Reply