Parang Tanga Lang

Linsyak na buhay toh! It’s already 12:12am which is way pass my supposed to be bed time! Kasi ba naman tatlo pa ang test namin bukas pero parang wala akong test at gising pa din ako!

Matutulog na sana ako kaso itong ungas ko na kuya eh nakakabadtrip kaya lumabas muna ako ng kwarto!

Kaya eto napunta sa pag kokompyuter ang gabi ko na dapat sana eh itinutulog ko na! Linsyak naman oh! Dumadami na nga itong pimples ko tapos madagdagan pa ng stress edi lalo akong nagmukang patatas nito.

Pero dibale may good side din naman eh, at least i got to post another entry sa blog ko. (hayy, what a pathetic silverlining for such a dark cloud*piff*)

Sabi nga ni Conficious "It is better to sleep early than to drink a coffee in the afternoon while the sun is hot and the melon is as round as the hole in the ground because as we say love is in the air".

Anu daw? Naka drugs ata si Confucius eh. pero eto translation nun.. "Matulog ka na kasi mukang tulog na naman ata ang ungas mo na kapatid, at may test ka pa bukas bugok ka! magpahinga ka na kung ayaw mo bumagsak!" yan and ang ibig sabihin aftr decoding that word of WISDAM from pareng Confucious, kaya’t eto na ako at tatapusin muna dito ang aking entry.

Leave a Reply